Sunday, October 3, 2010

tol...i luv you! part 6

Agad na bumalik ang sinakyan
naming pumpboat sa parte na
kung saan nhulog si Lito habang
taranta naman kaming mga
lalaking nagsitalunan sa dagat at
ang mga babae ay
nanghahagilap ng mga
inflatables at inihagis sa amin.
Mabuti nalang at may dalawang
lifeguards na nakasama naming
sumakay sa pumpboat at
bihasang-bihasa pagharap sa
mga ganoong klaseng
situwasyon.
Nakailang sisid din kami
hanggang ang isa sa mga
lifeguards ay sumigaw, “Dito
na!” habang hila-hila niya ang
walang malay na si Lito.
Kaagad naming pinagtulungang
hilahin ang katawan niya upang
maiakyat at mailatag sa
pumpboat. Habang nakalatag
ang katawan niya sa mahabang
upuan ng pumpboat, tiningnan
ko ang mukha niya. Namumutla
na ito. Pinulsuhan ko kaagad
siya. Noong wala akong
mahagilap na pintig, at idinampi
ko ang tenga sa bibig at
pagkatapus, sa dibdib niya,
inalam naman kung humuhinga
siya o pumipintig pa ang puso.
Ngunit wala akong makuhang
bakas na humihinga pa siya o
pumipintig ang puso.
Dahil sa ako ang nakasakay na at
siyang nagbuhat sa katawan at
naglatag nito habang ang mga
lifeguards ay naiwan pa sa tubig,
ako na ang binigyang-
instruction nila. “I-CVR mo!”
“Ano iyon?” sigaw ko, ramdam
ang tensyon sa boses.
“I-pump ang dibdib at i-mouth to
mouth!”
At iyon ang ginawa ko kaagad.
Pump, buga ng hangin sa bibig
niya, pump, buga ng hangin …
Naka-ilang pump din ako at buga
ng hangin noong bigla siyang
umubo at sumuka ng tubig. Sa
pagkakita ng lahat,
nagpalakpakan sila sa sobrang
tuwa, ang iba ay nag-hug sa iba
pang mga buddies.
Ngunit imbis na matuwa,
kumawala sa akin ang galit na
matagal ko nang tinimpi. Tila
isang bulking pumutok ito at
naalimpungatan ko na lana ang
sariling inupakan ng suntok sa
mukha si Lito at pagkatapus ay
hinablot ang niya buhok upang
i-untog ang ulo sa sahig na
nilatagan.. “Tangina ka! Pauwi na
lang tayo, nagdadrama ka pa!
Ano ba ang gusto mong
mangyari ?!!” Sigaw ko sa kanya.
Alam ko, nabigla din si Lito sa
bilis ng mga pangyayari.
Disoriented pa iyong tao at
kababalik lang ng malay tapus,
suntok ang sumalubong sa
pagmulat niya ng mata.
Hindi makapaniwala ang lahat sa
nasaksihan nila. At sa pagkabigla
at nakitang hawak-hawak ko pa
ang buhok niya sa ulo akmang i-
untog ito sa sahig, hindi naman
sila magkandaugaga sa
pagsisigaw, “Warren! Warren!
Manghunos-dili ka!” habang ang
mga lalaki ay dali-daling
hinawakan ang mga kamay ko.
“Warren!!! Sumusobra ka na ah!
Ano bang akala mo sa sarili mo?
Nasalba na nga iyang tao sa
pagkalunod at ngayon ay gusto
mo namang patayin ?!!!” ang
sigaw ng moderator namin, galit
na galit at mistulang handang
paulanan na rin ng suntok ang
mukha ko.
“Arrrggggg!!!” Sigaw ko habang
pumiglas ako sa pagkahawak
nila at tumakbo sa may likuran
ng pumpboat na pinaandar na
patungo sa lugar namin. “Hindi
nyo lang alam kung gaano
katindi ang sakit na dulot ng
kahayukang ginawa niyan sa
akin! P**** ina niya! Binaboy
niya ako! Sinira niya ang
pagkatao ko !” At doon,
napahagulgol na rin ako.
Pakiramdam ko na sa kabila ng
naramdaman kong sakit ng
kalooban at agrabyo, wala akong
kakampi, at bagkus, ako pa ang
kontrabida.
Mistula namang nagulat ang
lahat. Alam ko na sa pagtagpi-
tagpi ng kuwento simula pa sa
deepening kung saan ni Lito
ibinunyag ang lahat, sa
pagkakatong iyon, nakuha na
nila kung sino ang taong tinukoy
ni Lito sa kanyang pag-unveil ng
kwento niya.
Habang patuloy ang pag-iyak ko,
hindi naman malaman ng mga
kasama namin kung ano ang
gagawin nila at kung kaninong
side sila papanig. Alam ko,
naguguluhan din sila. Habang
ang karamihan ay tinulungan si
Lito sa nangyari sa kanya, may
ilang kababaihang myembro
naman ang lumapit at
nagpakalma sa akin. “Buds…
pwedeng i-hug ka namin?”
Tila may sumundot naman na
nagpalambot sa puso ko sa
sinabi ng mga babaeng buddies
namin na iyon. At noong nag-
group hug kami, lalong tumindi
ang pagnanais kong i-unload
ang sakit at bigat ng kaloobang
dinadala. Napahagulgol uli ako sa
harap nila, hindi makatingin sa
kanila at patuloy na nagpapahid
ng luha.
“Ok lang iyan buds. Sige, ipalabas
mo ang lahat ng bigat ng
saloobin. ” ang sabi ng isang
buddy sa akin.
“Hindi ko alam kung bakit niya
ginawa sa akin iyon buds, eh.
Akala niya siguro, bakla ako.
Hindi ako bakla, tangina niya …”
ang mahinahon kong
pagpalabas ng hinanakit.
“Naintindihan namin buds…
masakit talaga ang naranasan
mo. ”
Sa pagkuwento at pag-unlaod ko
na iyon, naramdaman kong unti-
unting humupa ang tension sa
sarili. Tiningnan ko si Lito sa
kinauupuan niya, nakayuko lang,
tila tulala pa rin bagamat safe na.
At bakat pa rin sa mukha niya
ang matinding kalungkutan.
Ngunit sa sarili ko, nandoon pa
rin ang galit...
Lunes, balik-eskwela na naman.
Gustuhin ko mang maging
normal ang lahat ngunit pakiwari
ko ay pabigat ng pabigat ang
naramdam. Sa nangyari sa
pumpboat ay parang nag-iba
ang tingin ng mga tao sa akin.
Parang pinag-uusapan nila ako.
Alam ko kasi na kahit amin-amin
lang iyong mga sikretong
nabunyag sa deepening activity
namin, hindi rin maiwasang may
hindi makapagpigil na sikretong
magsalita, intentional man o
pahapyaw. Sa araw ding iyon
nalaman kong hiniwalayan na
daw si Lito ng girlfriend niya.
Ngunit parang wala lang din
epekto sa akin iyon. Minsan na
rin kasing inamin sa akin ni Lito
na di niya mahal ang girlfriend
niyang iyon. Ang masaklap lang
dahil naramdaman kong ang
girlfriend ko ay dry na ang
pakikitungo sa akin. Nand ’yan
iyong kapag inofferan ko siyang
ihatid, marami na siyang alibi,
kesyo dadaan pa sa kung saan-
saan, kesyo kasama niya ang
mga barkada, etc. etc. Kapag
sabihin kong bisitahin ko sa
kanila ay sasabihing may lakad,
may ipapagawa ang mama, mag-
aaral, etc. At kapag sa school
naman, kapag nakita niyang
nasa isang lugar ako, kusa itong
iiwas sa lugar kung saan ako
naroon. Hindi ko maintindihan
kung ang inasta niya ay dahil ba
sa mga naririnig niya o may
ibang dahilan. Pero malakas ang
kutob ko na dahil iyon sa mga
naririnig niya tugkol sa nangyari
sa amin nio Lito. Andaming
bumabagabag sa isip ko. Tuliro,
hindi makapagconcentrate ng
maigi, at bwesit na bwesit na sa
buhay. At ang dahilan ng lahat?
Si Lito.
Sa nagdaang mga araw, hindi ko
na pinapansin si Lito. Bagamat
alam kong gusto niyang
makipagbati, ngunit matigas ang
paninidigan ko. Napansin ko rin
ang pananamlay niya, at ang
pagpayat. At hindi na siya
palaimik, naka-upo na lang sa
isang sulok. Pati grades niya ay
naapektuhan din. May mga tests
na wala siyang sagot at palaging
nag-aabsent. Dahil dito ay
nagworry ang mga professor,
mga kaklase at mga kaibigan na
rin namin.
Isang araw, bigla na lang akong
ipinatawag ng Guidance
counselor. Pagpasok ko sa room,
nakita ko ang mga magulang ni
Lito, kausap ang madreng
Guidance counselor ng school.
“Please take your seat, Warren”
ang sabi kaagad ng counselor.
Kumuha ako ng isang silya at
naupo sa tabi ng mga magulang
ni Lito. Ang inaasahan ko ay
pagagalitan nila ako. Ngunit
noong tingnan ko ang mga
mukha nila, wala akong
nakikitang galit bagamat pansin
ko ang lungkot sa kanilang mga
mata. Kinumusta ako at niyakap
pa nila.
“Warren, we need your help.”
Ang seryosong sabi sa akin ni
Sister. “Sana, you are willing to
do it...”
“A-ano po iyon, Sister?” ang
tanong ko, nag-aalangan kung
anong tulong ang gusto nilang
gagawin ko.
“Warren, alam kong may
problema kayo ni Lito. May alam
kaming kaunti. Ano man iyon, sa
inyo na lang iyan. I am not
blaming you. Pero alam mo, I am
very much worried para kay
Lito. I feel na hindi na siya ang
dati kong anak. Iba na siya,
Warren. Palaging wala sa sarili,
tulala, hindi kumakain, hindi
makatulog. At minsan hindi na
nag-aayos sa sarili. Ang
kinatatakutan ko ay kung hindi
siya maagapan, ay baka
masiraan siya ng bait o kaya…”
napahinto siya ng sandal gawa
ng pag-crack ng boses. “…
magpakamatay” at tuluyan na
siyang umiyak. “Bilang isang ina,
napakasakit pagmasdan na ang
anak mo na dating puno ng sigla,
puno ng pangarap, puno ng
pagmamahal, ng mga pangarap
ay biglang magbago at mawalan
ng sigla. Napakabata pa ng anak
ko, Warren para masira ang
buhay niya. Ikaw lang ang
makatulong sa kanya Warren,
nagmamakaawa ako …” dugtong
ng mama niya.
Tila tinusok naman ang puso ko
sa awa. Simula kasi noong
magkaibigan pa kami ni Warren,
napakabait ng mama at papa
niya sa akin. Kapag doon ako
natutulog sa kanila, nakakasama
naming sila ni Lito sala,
nagkukwentuhan, tawanan,
sabay nanonood ng palabas sa
TV. At kapag may importanteng
okasyon sa kanila, hindi
pwedeng wala ako dahil
pinapatawag nila ako at
pinapadlo. Alam ko, napamahal
na rin ako sa kanila, lalo na ’t nag-
iisang anak lang si Lito at ako ay
itinuturing niyang kapatid.
Turing nila sa akin ay talagang
bahagi na ng pamilya nila.
Mayaman ang pamilya nila. At
kahit ako ay anak-mahirap lang,
napakabait nila sa akin at
marami nang naitulong lalo na
kapag kapus ang mga magulang
ko sa pang-tuition. Ang totoo
nga niyan, sila mismo ang
nagpumilit na mama at papa na
rin ang itawag ko sa kanila.
“A-ano po ba ang maitutulong
ko, Ma?” tanong ko.
“Puntahan mo si Lito Warren.
Kausapin mo siya. Patawarin mo
siya kung ano man ang nagawa
niya sa iyo. Ibalik mo ang dating
pagkakaibigan ninyo …
Tatanawin kong malaking utang
na loob sa iyo kapag
napagbigyan mo kami, Warren,
sana maawa ka kay Lito. ”
Mahirap para sa akin ang hiniling
nilang iyon. Para bang heto, ako
ang agrabyado, pero ako pa
ngayon ang lumalabas na may
kasalanan. Pero dahil sa awa ko
sa mga magulang ni Lito, ang
nasabi ko na lang ay, “S-sige po,
Ma… pupuntahan ko siya,
ngayon din.
At sa gabi ng araw na iyon, doon
pinuntahan ko si Lito sa bahay
nila. At dahil napagkasunduan
naming ng mga magulang
niyang doon muna ako titira sa
kanila ng at least isang linggo,
nagdala na rin ako ng kaunting
mga personal na gamit.
Noong makarating na ako sa
bahay nina Lito, pinaderetso na
ako ng mga magulang niya sa
kwarto ni niya at hindi pa raw
ito kumain at hindi lumalabas ng
kwarto. Umakyat ako ng second
floor kung saanang kwarto niya.
Noong nasa harap na ako ng
pintuan, hinwakan ko ang door
knob at tinangkang buksan ito.
Ngunit naka-lock ito.
Kumatok ako. Walang sumagot.
Kumatok uli ako, mas malakas-
lakas. Wala pa ring sumagot.
“Tol!” sigaw ko, habang
kumakatok anko ng mas malakas
pa. Wala pa ring sagot.
Sumigaw na ako, “Tol!!! Si
Warren to, buksan mo ang
pinto !!!” Wala pa ring sumagot.
Dahil sa hindi pagsagot na iyon
ni Lito, bigla akong kinabaha.
Tumakbo na ako pababa, sa sala
kung saan nandoon ang mama
at papa ni Lito. “Ma, pa! Walang
sumagot sa kwarto ni Lito!
Buksan natin !”
Nataranta naman ang papa ni
Lito. Dali-dali niyang kinuha ang
master key at tinumbok ang
kwarto ng anak. Agad din
kaming sumunod.
Noong nabuksan na ang kwarto,
malakas na tili ang kumawala.
“ LITOOOOOOOOO!!!”
(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment