Sunday, October 3, 2010

tol...i luv you! part 1

Masasabing matalik na
magkaibigan kami ni Lito.
Nagsimula ang pagkakaibigan
namin sa first year high school,
noong lumipat ang pamilya nila
sa probinsya at doon na mag-
aral sa eskwelahan kung saan
din ako nag-aaral. Nag-iisang
anak lang si Lito at dahil ayaw ng
mga magulang niya na malulung
ito sa iba ’t-ibang bisyo sa
Maynila kaya’t napagdesisyonan
nilang sa probinsya na ito mag-
aaral, sa isang private sectarian
na eskwelahan. Kahit kasi nasa
probinsya ang school namin,
state-of-the-art din naman ang
mga facilities dito at mataas pati
ang standard, bilang sister
school ng isang sikat at
prestehiyosong paaralan dito sa
Pilipinas.
Halos pareho kami ng gusto at di
gusto ni Lito. Pati sa pananamit,
pag-ayos ng buhok, hilig, sport.
Pati nga tangkad, kulay ng balat,
frame at kinis ng mukha, halos
magkahawig din. Sabi nga ng
maraming hindi pa nakakakilala
sa amin at napagmasdan kami
ang itatanong kaagad ay kung
kambal ba kami. Tawa lang ang
igaganti namin kapag naririnig
ang ganoong mga tanong sabay
sagot ng, “Kambal sa
kalokohan!”
Halos walang oras na hindi kami
magkakasama ni Lito sa school.
Kahit pagkatapus ng klase, kami
pa rin ang magkakatropa,
namamasyal, gumigimik, at
kapag trip namin, doon ako
matutulog sa bahay nila. In
fairness, sobrang mabait si Lito;
mapagbigay, at kapatid talaga
ang turing niya sa akin. Higit sa
lahat, may agreement kaming
bilang magkaibigan, wala
kaming sikretong itatago sa isa’t-
isa.
Kagaya ng isang normal na
magkakaibigan, wala kaming
malisya – I mean, sa
pagkakaalam ko. Kahit minsan
kapag doon ako makatulog sa
kanila, magkatabi kami nyan sa
kama. At wala kaming itinatago
sa isa ’t-isa. Kahit pinakamalaswa
at nakakahiyang karanasan at
gawain ay malaya naming
nasasabi sa isa ’t-isa at nagagawa
ng walang kiyemi-an, at
tinatawanan at ginagawa na
lang naming biro. Minsan nga
kapag inaatake kaming pareho
ng libog sa kapapanood ng bold,
sabay kaming magpaparaos
niyan – kanya-kanya, syempre,
walang body contact kumbaga.
Para sa akin, normal lang ang
ganoon sa mga lalaki, walang
dumi sa utak, walang ibang
motibo; as in … wala talaga.
Nasa second year College na
kami noon, parehong 18 at
pareho din ang kursong kinuha.
Pareho na rin kaming may
girlfriend at pareho naman
kaming masaya … sa tingin ko.
Mga alas 5:30 iyon ng hapon
noong maisipan naming
umakyat sa paborito naming
hangout – sa roof top ng school
kung saan naroon din ang
malaking tangke ng tubig nag
nagbibigay ng supply sa buong
building. May 4 na palapag ang
school namin at kami lang ang
nakakaalam kung paano
umakyat doon, maliban na lang
sa mga technician ng school na
paminsan-minsang pumupunta
din doon kapag may
kukumpunihing sira.
Nakasanayan na naming kung
sino ang aakyat, itatali niya ang
kanyang handkerchief sa
hagdanan upang malaman ng isa
na nandoon siya sa itaas. At
kung sino man ang susunod ay
siyang magtanggal ng
handkerchief at dadalhin sa
itaas, isoli sa naunang naakyat.
“Alam mo, Tol, ang taong
dadalhin ko dito, ay syang mahal
ko ” ang sabi niya pahiwatig sa
hangout naming iyon sa roof
top.
“Tange!” Ang pag react ko. “E,
nand’yan ang girlfriend mo,
bakit di mo siya dalhin dito?”
Binitiwan lang niya ang isang
nakakaintrigang ngiti. “Parang
hindi ko siya talagang mahal eh.
Parang may kulang ?” Sabi niya
sabay tingin sa akin.
“Tado! Ginagalaw mo ang
girlfriend mo tapus di mo pala
siya mahal? Ano iyon ?”
“M-may iba akong mahal tol
eh…” sabi niyang tila
nagdadalawang-isip sabihin ang
mga katagang lumabas sa bibig.
“Shiiiit! Tangina! May itinatago
ka sa akin? Sino? Sino yang
babaeng iyan ?” Sambit kong
may halong excitement sa
nalaman ko.
“Huwag muna, mahirap
ipaliwanag eh.”
“Ganoon?! Mahirap ipaliwanag?”
Ang sarcastic kong sagot. “Sino
ba iyan at mahirap ipaliwanag?
Madre ba siya? O may asawa?
Teka … teacher sa theology?”
dugtong ko sabay bitiw ng
malutong na tawa.
“Basta, huwag muna ngayon.”
“Ah, di ako papayag sa sagot
nay an ah! Dapat sabihin mo na
ngayon. Pag hindi mo sasabihin
sa akin ngayon, hindi ako
bababa ditto sa roof deck. ”
pabiro kong pananakot sa
kanya.
“S-sigurado kang gusto mong
malaman?” tanong ulit niya.
“Oo naman! Wala tayong sikreto
sa isa’t-isa, diba?”
“O sige, sasabihin ko na…”
“Talaga? Sino?” Ang sagot kong
excited na naghintay sa
sasabihin niya.
Ngunit imbes na sagutin ako ng
seryoso, biro ang isinagot niya,
“ E, di ikaw?” Sabay tawa ng
malakas at takbo palayo.
“Tarantado!” Ang bigla kong
sagot sabay sugod sa kanya.
Noong ma-corner ko siya,
nangpangbuno kami hanggang
sa nagpagulong-gulong sa
semento. “Tado ka ha? Ako ang
love mo? Bakla ka ba tol? Bakla!
Bakl !” Ang biro ko.
“Bakla pala ha…” ang sambit nya,
ang boses ay may bahid na
pagkapikon. At pinuwersa
niyang itihaya ako, inupuan ang
tyan, at ang siko ay itinukod sa
leeg ko. Mas malakas kasi si Lito
sa akin, mas malaki ang katawan.
“Ano… bakla ako?”
“Urrkkkk! Ayoko na tol! Give up
na ako, give up na” Eto naman
din a mabiro o…
At pinakawalan niya ako.
Tumayo siya, iniabot ang kamay
upang alalayan akong tumayo.
Naupo kami sa bench sa gilid ng
tangke. “Sino ba talaga iyang
babaeng mahal mo, tol? Bat
ayaw mong sabihin. ”
“Hwag muna ngayon, tol…
Sasabihin ko rin ito sa iyo, pero
huwag muna ngayon. ”
“Kakabad-trip ka naman tol. Sige
na nga, wala akong magagawa
kung ayaw mong sabihin. Pero
araw-araw, kukulitin kita dyan,
tandaan mo. ” Ang pananakot ko
pa rin.
“Hindi ko pa kasi nasabi sa
kanya na mahal ko siya eh.”
“E, di ligawan mo, problema ba
iyan?”
“Yan nga ang mahirap eh… takot
akong mabigo” ang malungkot
niyang sabi.
“Tangina. Ikaw pa! Ang dami
ngang nagka-crush sa iyo d’yan,
tapus mabibigo ka?”
“Ah… basta. Kapag nilagawan ko
siya at bibiguin niya ako…
tatalon ako sa tangke na to.
Promise !” turo niya sa tangke ng
tubig “At lulunurin ko ang sarili
d’yan.”
“Hahaha!” ang tawa ko. “Wag ka
ngang magbiro ng ganyan?
Gaano ba ka espesyal ng taong
iyan at magpakamatay ka
talaga ?”
“Basta…”
Iyon ang mga katagang sinabi
niya na hndi ko naman
sineryoso.
Ganyan kami ka-close ni Lito.
Akala ko hindi na magbabago
ang pagiging close namin.
Isang araw, lumuwas ang mga
magulang niya papuntang
Maynila at doon mamalagi ng
mga apat na araw. Hinikayat nila
akong samahan si Lito sa bahay
nila at dahil kilala naman sila ng
mga magulang ko, pinayagan
din akong samahan si Lito sa
bahay nila sa apat na aaw na
wala ang mga magulang niya.
Unang gabi iyon na kaming
dalawa na lang sa bahay nila.
Nag-inuman kami. Isang
malaking bote ng gin ang tinira
namin. Noong lagpas kalahati na
ng bote, nagsimula na akong
malasing. Ang ipinagtataka ko ay
parang wala lang nangyari kay
Lito. Ewan kung pinaglalaruan
lang niya ako dahil siya naman
ang taga-tagay. Pero, wala lang
sa akin iyon dahil nag-eenjoy
naman ako.
Hindi na naubos pa ang isang
bote ng gin noong lagpak na ang
katawan ko sa sofa. At kahit
ganoon na ako kalasing pansin
kong hindi talaga tinablan si Lito
ng kalasingan. “Andaya-daya
mo, tol! Pinagtripan mo akong
lasingin !” ang nasabi ko na lang
habang nanatili akong nakahiga
sa sofa.
“Hehehe!” Tawa lang ang narinig
kong sagot niy sa akin.
Maya-maya, tinangka ni Litong
hilahin ako sa sofa at buhatin
patungong kwarto.
“Tol… wag!” ang biglang sigaw
ko. Ako kasi kapag nasa
ganoong sobrang kalasingan,
pakiramdam ko ay umiikot ang
buong paligid. Kaya dapat hindi
ako gagalaw kung ano ang
pwesto ko sa paghiga kasi kapag
gumalaw ako niyan o kaya’y
ginalaw, magsusuka’t
magsusuka na ako hanggang sa
mawalan ng lakas. Pero kahit
nasa ganoon akong sitwasyon,
conscious pa rin ako. Nauukit pa
rin sa isipan ko ang mga
pangyayari.
Ngunit pilit pa rin akong kinarga
ni Lito at pinahiga sa kama niya.
Pagkalatag ng pagkalatag niya sa
akin ay agad akong nagsusuka
at nasukahan ko pa ang damit at
pantalon niya dahil nakaharang
siya noong hindi ko mapigilan
ang sarili at bumalikwas upang
sumuka sa sahig. “Gwarkkk!
Gwarkkkkk!” Habol-habol ang
paghinga, pilit kong hinubad ang
t-shirt upang madaliang ipahid
sa bibig, at pagkatapus ay
nahiga ulit. Maya-maya lang,
sumuka ulit ako, at sumuka ulit
hanggang sa pakiramdam ko ay
wala na akong isusuka pa at
naubos na ang lakas upang
makabalikwas pa, habang
pakiramdam ko naman na ang
buong paligid ay walang
humpay sa pag-iikot.
Tawa nang tawa lang si Lito
habang pinapahid ang suka
kong dumikit sa damit niya at sa
sahig.
Ako naman ay nakahiga lang,
nakatihaya pilit na huwag
gumalaw, ipinikit ang mga mata,
pakiramdam ay tila malalagutan
na ng hininga sa tindi ng hilo at
panlalanta. Napansin ko ring
nawala sandali si Lito at noong
may narinig akong mga yapak,
ibinuka ko ang mga mata ko.
Bumalik na siya sa kwarto
nakatapis lang ng tuwalya.
Naligo pala siya.
Tinanggal niya ang tuwalya,
isinabit ito sa silya at sumampa
na sa kama, sa tabi ko sa
kabilang gilid. “OK ka lang ba?”
Tanong niya.
Hindi ko sinagot ang tanong
niya. Ipinikit ko ulit ang mga
mata, pakiramdam ay wala na
akong lakas na gumalaw pa o
sumagot sa tanong niya.
Ngunit laking gulat ko noong
bigla niyang isinampa ang
hubad niyang katawan sa
ibabaw ng katawan ko.
“ Uhhhmmmmp!” ang mahinang
tinig na lumabas sa bibig ko
dahil sa bigat niya.
“Tol… I love you!” Iyon ang
narinig kong sinabi niya sabay
lapat ng bibig niya sa bibig ko.
(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment