Wednesday, October 6, 2010

Paper Heart part 3

"sori jc" tanging nasbe ko nlng. Kita ko sa mga mata nya ang pagkainis lalu na
nung mkita nyang may ksama akong ibang lalake...

"sino sya?" tanung ni jc na mai pgka mataas ang boses...

"ah marco pare" sbe ni marco hbang inaabot ang kamay'. Ngkamayan cla at
pinakilala ko sa isat-isa...

Mejo nwla ung galit sa muka ni jc nung mlaman nyang clasmeyt ko lng si marco at
ngpasama lng' (na lalung pinagtataka ko naman? Hmm moody ata?)...

Ngpaalam ndn si marco dhil nkaramdam ata na may sumthing smen ni jc! Waaah as
if! Hehe...
Kumaen kme ni JC sa mg street food. kase sbe ko mas mura at masarap naman
tlga'...
ngalibot lng kme hanggang inabot na kme ng gabe...
 
Pasakay nko ng jeep ng pigilan nya ko..
"wait lng eman!" sbe ni jc
"ha? baket?" sbe kong nagtataka...
"ah ingat ka sa pag-uwe mo" sabe nyang may ksamang ngiti (ang sweet naman!
hekhek..)
"ok kaw din" sabay ngiti din...
 
at umalis nko'...hbang nglalakad ako ay bigla nya kong niyakap mula sa likod ko
(syet ambango nya! :D)

"eman gusto na kita'...at sa tingin ko mahal na kita" sabe nyang pabulong sa
tenga ko...
ramdam ko ang init ng kanyang hininga na dumampi sa aking tenga'...
"jc bitawan mo ko'...baka may mkakita'...at isa pa ayokong binibiro ako ng
ganyan" sabe kong may pagka mataas ang boses (pero kinikilig! hehe)... umalis sya
sa pagkakayakap at humarap sken...kita ko sa mga mata nya ang
sinseridad...totoo...
 
"hindi ako nagbibiro...mahal na kita'...ewan ko kung pano o baket...basta ang
alam ko lang ay masaya akong kasama ka at sana ay paniwalaan mo" sabe nyang
seryoso ang muka'...
ngumiti lng ako at niyakap sya bilang pagtanggap sa kanyang alok...
"salamat...hinding-hindi kita lolokohin"...
 
Naging kame na nga at sobrang saya ko...mahal na mahal ko sya at ganun din ang
nararamdaman ko sa kanya..wala nkong mahihiling pa :)
 
"mahal sunduin kita mamaya ha' sabay tayong umuwe" txt nya sken (mahal ang
tawagan nmen)
"geh mahal txt nlang kita pag nagdismis na kme' luv u po <3" txt ko sa kanya...
"i love you too mahal"...
 
lumipas ang araw...linggo at buwan...patuloy naming pinapatunayan na mahal namen ang isat-isa...
sa bording house pala sya tumutuloy kase malayo ang bahay nila...dun nadin ako tumutuloy para magkasama kme at para amalpit ndin daw sa skul...para kameng mag-asawa...
 
"mahal gud morning" gising ko sa kanya na may kasama pang kiss sa noo (syempre
naman para sweet! hehe)
"mahal gudmorning din po" balik nya saken habang umiinat at pumupungay-pungay pa
na mata..
"kaen na tayo mahal...may hinanda akong agahan para saten" sabe ko sabay ngiti....
"wow! swerte ko naman sa mahal ko" sabe nya habang pacute effect pa hehe...
 
kumaen kme ng agahan...nagsubuan pa kme (ng pagkaen ha' wag kayong green!
hekhek)...
nagkulitan...lambingan..tawanan at kung ano-ano pa...
masayang-masaya kme..
 
anim na buwan ndin simula nung maging kame...syempre di maaalis yung tampuhan
(syempre hearthrob ba naman ang syota mo eh! hmmm) pero naayos din naman...hindi
pwedeng natatapos ang araw ng hindi namen inaayos ang kung ano man ang tampuhan
namen...

Monthsary namen...

"mahal san mo gustong pumunta?" tanong nya sken...
"kahit saan bsta ksama ka" sbe ko sabay yakap sa knya'...
"ang mahal ko tlga' geh nuod nlng tayo ng sine sa mall"...

Nanuod kme ng sine'. Pagkatpos ay kumaen. Nagikot-ikot. Tas naglaro ng video
games (hehe parang bata!). Masayang masaya kme hbang mgkasama'. Duon ndn kme
naghapunan.

Sa skul...

Sabay kmeng pumasok ng mahal ko' mdalas eh sbay dn kme umuwe pero minsan ksma
nya ang knyang mga barkada'. Ok lng naman sken pero minsan nkita kong mgkausa si
jc at si bea (ex gf nya ). Nkaramdam ako ng selos pero may tiwala ako sa knya'
mahal ko kse sya.


Naghiwalay si jc at bea dhil sinulot ito ng knyang bestfriend na si jason. At
naging mortal enemy sila.

Si jason ay kababata ni jc' sabay silang lumake at kapatid ndn ang turingan nila
sa isat isa'. Nag-away lng sila dahil sinulot ni jason ang kasintahan ni jc na
si bea' simula non ay ndi na sila nagpansina pa. Hindi dn naman nagtagal ang
knilang relasyon ni bea at naghiwalay dn sila.

Sa bahay...

"mahal parang tahimik ka ah?" tanong nya sken...
"wla lng to mahal' siguro sa pagod lng" sbay ngiti ko sa knya...
"geh mahal luto lng ako ng pagkaen nten" sbe kong papunta sa kusina...

Hindi ako masyadong kumikibo' dahil maraming gumugulo sa isip ko'. Isa na don
ang tungkol sa knila ni bea'. Hndi nya ndn pa kinulit kung bakit ako tahimik.

Lumipas ang mga araw at wlang pagbabago smen ni jc'. At masaya naman kme. Pero
hndi pla laging masaya sa relasyon.

Nkilala ko si jason sa skul din'. Kse alam nyang mgkaibgan kme ni jc. Gus2 daw
nyang humingi ng tawad kaso nahihiya sya. Nagkapalagay kme ng loob dahil mbait
naman tlaga si jason.

Nahuli kme ni jc na magkasama kme ni jason na mgkausap. Agad lumapit si jc smen
at hinila ako playo. Ntakot ako kse iba ang aura ni jc. Galit na galit sya.

"bakit mo ksama yung taong yun?!" sbe nya sken ng pasigaw...
"wla naman kmeng gngwang masama ah? Isa pa gusto daw nyang humingi ng tawad syo"
ang mahinahong kong sabe...
"hindi ko sya mapapatawad! at gusto kong lumayo kna sa knya ha?!" sbe nyang may
pagka sigaw n naman...

Iniwan n nmen si jason at umuwi ndn kme...
"mahal sori na po" sbe ko sa knya...

-di sya umimik-

"mahal sori na please?" sbe kong may halong lambing...

Ngumiti lng sya' at niyakap ako...
 
"nagalit lng ako kase ayokong pati ikaw agawin nya sken"...
"mahal' hinding hindi mangyayari yun....ikaw lng ang mamahalin ko" sabe ko sabay
yakap ng mahigpit sa kanya...
 
lumipas pa ang ang mga araw at patuloy kaming naging matatag. Alam kong hindi
laging masaya. May mga problema ding dadating sa aming relasyon.
Habang naglalakad ako sa park. Nakita ko si jason' parang malalim ang iniisip'.
Nilapitan ko sya...
 
"uy jason? may problema ba? pasensya nga pala dun sa nangyari nung huli tayong
nagkita" paumanhin ko sa kanya..
"wala yun"..
"may problema kba?" ulit kong tanong sa kanya
"may problema lang sa bahay' nag-away kame ni dad...wala daw akong pakinabang sa
bussines nya (mayaman ang pamilya nila' at may bussines silang restaurant)
"wala naman akong hilig sa ganung negosyo eh"
"ay ganun ba? so anung balak mo?"
"ewan ko' basta ang alam ko lang ay ayokong pilitin ang sarili ko sa himdi ko
naman gusto"
"tama yun' basta wag kang susuko. Kung ano ang gusto ng puso mo sundin mo" sabe
ko sabay ngiti
 
niyaya nya kong maglibot-libot para naman daw sumaya sya kahit paano'...
hindi ko alam kung bakit ang sweet nya saken' hindi ko na lang binigyan ng
meaning. Basta kaibigan lng ang turing ko sa kanya...
niyayaya nya kong tumuloy sa bahay nila pero sabi ko ay "ayoko" pero talagang
mapilit tong mokong na'to eh..tinext ko si mahal para sabihing baka gabihin nako
makauwe'..ok naman sa kanya
 
nagyaya si jason mag-inuman' hindi nako tumanggi pa kase mapilit talaga ang
mokong eh! hmm..
habang tumatagal ay padame ng padame ang aming iniinom. Mejo nahihilo nadin ako
kayat sinabi ko sa kanyang ayoko na. Pero sinabi nyang tapusin na namin kaya no
choice ako kundi ang sumunod haay naman!...hilong-hilo na tlga ako kayat pumunta
ako ng banyo para sumuka. Pagtayo ko pagtapos kong sumuka ay natumba ako, at may
sumalo sken..BLACK-OUT!...
 
 

Itutuloy...

Monday, October 4, 2010

Paper Heart part 2

ako naman natulala at tanging nasabe lng ay "oo"
 
…para bang nawala lahat ng galit ko nung makita ko kung sino ang nkabunggo sken’
Para tuloy akong engot na ngingiti-ngiti after ng insidente kani knina lng!...
 
“haaay’ ganun ba tlaga ang effect sken ng mokong nato?” sbe ng isip ko…
Hindi ko namalayan na matagal na pla akong nakatitig sa kanya’
 
“ok klang ba tlaga?” sbe nya habang nagtataka
“o..ok lng ako” sabay ngiti…
 
Naalala ko bgla na super late na pla ako kya bglang tumakbo nko….
Narinig ko nlng na sbe nya ay “wait lng!”….

Lumipas ang araw na lagi ko syang naaalala….
Napapangiti ako twing naaalala ko yung insidenteng nangyare (haha khit ampanget
ng unang conversation nmen! :D )…
 
Hbang nglalakad ako sa may sm’ nkita ko syang may ksamang babae’…parang ang saya

pa nila!!! Grrr (hehe may relasyon ba kme??  ) at nka-akbay pa ah!…
 
Npatingin sya sken at bglang bitaw sa pagkaka-akbay dun sa babae’…
Nagtaka naman ako kung baket ganun ang reaksyon nya? Hmmmm may sumthing!!!!!
Hehe…
 
Parang nalungkot tuloy ako'
"meron na pla syang GF! eh....
haaay buhay' ganun tlaga' anu bang laban ko dun sa babaeng yun?????....
 
umuwi nlg ako ng mejo malungkot'... pero sinabe ko sa sarili ko na hindi ako
magmamahal ng staight!
wala ding patutunguhan yun eh....at isang mlakas na "sigh" lng ang pinakawala
ko...
 
 
lumipas ang maraming araw at hindi ko na sya npapancin'..."bakit kya???" pero
care ko ba sa knya! ako nga di nya iniicp eh!! (haha bitter?)...
 
after ng klase' umupo ako sa upuan don sa tabi ng mga puno'... mga mag-aalasais
ndn un eh...
"ang sarap! ang hangin tlaga dito'... nkakawala ng pagod" sabe kong mukang tanga

na nagsasalita ng mag-isa...natawa tuloy ako!!(hehe adik lng!)...
 
narinig kong may tumawa din galing sa likod ko...
palingon ko "syet sya n nman!" sabe ng isip ko...
 
"hey? musta kna?" sbe ni JC na may ksama png ngiti
"ah ok lng naman" sabe ko na may ksama ding ngiti...
 
"ntutuwa tlaga ako sayo...ang cute mong tgna"...sabe nya na feeling close kme
"waaaahhh! ntutuwa sya sken? cute daw ako?! syet n nmana ule! para akong
malalaglagan ng salawal neto!!! major major nato!!!" sabe ko sa isip....
 
"oh napano ka? nkatulala kna naman?" sbe nya...
"ah wala lng"...sabay ngiti
 
ayun na ang simula ng aming pagkakaibigan...
nalaman ko na GF nya pla tlaga yun' at nkipag-break ndin sya kase masyado daw
selosa...nkakairita daw at may bgo na daw syang gusto ngayon (cnu naman kya yun?

sana ako! chareeeng! hehe)
 
lagi nya nkong inaantay pag uwian na tlaga namang ikinataka ko' bakit kya? hmmm
ang mahalag kasama ko sya! hehehe...
 
one time nagpasama yung klasmeyt ko sa national book store para bumili ng
libro...
ngtxt naman si jc na magpapasama din daw...may bibilihin din daw sya...
eh nka-oo nko dito sa klasmeyt ko (infairness crush ko din to! pogi kse! moerno
na lalaking lalake yung dateng!) hehe ang pangalan nya pala ay marco..
 
"ay sori jc' masama kase yung pakiramdam ko eh" sbe ko pero ang totoo ay ksasama

ko na si marco nung mga time nayun'...wala naman kase akong maiisip na alibi
para tumanggi eh kaya ayun nlang ang sinabe ko..
 
"oh sige pahinga kna lng ah"...sbay baba ng telepono nya...
 
"uy kaen muna tayo" sabe ni marco na may kasamang ngiti! (nu bayan! nagpapacute
pa ang mokong! well effective! hehe...
 
kumaen kme sa tokyo-tokyo dahil sinabe ko na unlimited rice (hindi halatang
patay gutom? hehe)...
after non naglibot kme'... "parang date lng ah!" sbe ko sa isip...
tas bigla kong naalala si jc' "kamusta na kya sya? syang! dapat nagdate dn kme!
waah as if?
 
habang nkatambay kme ni marco' parang nkita ko si jc pero bgla ding nawala'...
natakot tuloy akong baka mahuli nyang umalis pla ako kahit sbe kong masama
pakiramdam ko...daedma na lng'...
 
"halika' punta tayo don sabay punta sa "QUANTUM" ,syempre hinawakan nya ang
kamay ko na ikinagulat ko naman...
 
"kala koba may sakit ka!" mejo may pagka mataas na boses sbe nung nasa likod
nmen...
pagharap ko'...."syet bat sya nandito!" sbe ng isip ko...patay na!
 
Itutuloy...

Sunday, October 3, 2010

Paper Heart part 1

Hey' ako nga pla c Emmanuel Reyes' Eman nlng para cute! Hehe, 19 yo. nag-aaral bilang isang I.T...

Simple lng ako' pero sbe ng iba cute daw? (ehem!) hehe moreno' matangos ang ilong' slim ang katawan' at kisable lips! :)

nlaman kong bi ako nung hs ako', dahil nagcha2t ako sa isang site na maraming bi dn' (na hndi ko pa alam ang pagi2ng bisexual!) attractive nko non pa sa kapwa ko pero dko lam kung bket? Hay ewan!...

Nag-aaral ako sa university d2 sa manila' at d2 ko nkila2 c Jan Christopher...

Si JC or Jan Christopher ay 21yo maputi' matangos ilong' (attractive po ako sa matangos ang ilong! :D ) 5'9 ang height at kisable lips! (wow sarap! Joke! Hehe)...

Parehas kmeng I.T student at ndi kme mgklasmeyt ha'...nki2ta ko lng sya sa campus ksma ng knyang mga barkada'...

Isang araw:

Shet late nko! 7:00 ang pax0k ko! Pero 7:00 na! Patay n naman! Buset!...

Habang nasa jeep:
"bwiset ka manong driver! Paliparin motong jeep! Late nko!" sbe ko sa isip

bwiset kxe yang wetdreams nyan eh! Napasarap tuloy tulog ko! Hmft! Joke lng po :))))))

malapit nko!...malapit nkong malintikan sa prof ko! Patay! Hehe...hbang nagla2kad ako' dko namalayang may nbunggo pala ako!

"syet naman oh!" sbe ko ng pasigaw! Eh kxe naman lakas npaupo ako!...

"ay sori po' sori tlga" sbe nyang inaala2yan akong patayo'...

Pgtingin ko kung cno?
"si prince charming ko pla!" sbe ko sa icp...si Jan Christopher pla!

Syempre nagulat ako! Si crushy pla ung nkadaupang palad ko! Este nkabunggo ko!...(nka2hiya naman! Nasigawan ko pa! :s )

pgkaayos ko' nginitian nya ako at sinabing "ayos k lng ba?"

ako naman natula2 at tanging nasabe lng ay "oo"

Itutuloy...

tol...i luv you! part 6

Agad na bumalik ang sinakyan
naming pumpboat sa parte na
kung saan nhulog si Lito habang
taranta naman kaming mga
lalaking nagsitalunan sa dagat at
ang mga babae ay
nanghahagilap ng mga
inflatables at inihagis sa amin.
Mabuti nalang at may dalawang
lifeguards na nakasama naming
sumakay sa pumpboat at
bihasang-bihasa pagharap sa
mga ganoong klaseng
situwasyon.
Nakailang sisid din kami
hanggang ang isa sa mga
lifeguards ay sumigaw, “Dito
na!” habang hila-hila niya ang
walang malay na si Lito.
Kaagad naming pinagtulungang
hilahin ang katawan niya upang
maiakyat at mailatag sa
pumpboat. Habang nakalatag
ang katawan niya sa mahabang
upuan ng pumpboat, tiningnan
ko ang mukha niya. Namumutla
na ito. Pinulsuhan ko kaagad
siya. Noong wala akong
mahagilap na pintig, at idinampi
ko ang tenga sa bibig at
pagkatapus, sa dibdib niya,
inalam naman kung humuhinga
siya o pumipintig pa ang puso.
Ngunit wala akong makuhang
bakas na humihinga pa siya o
pumipintig ang puso.
Dahil sa ako ang nakasakay na at
siyang nagbuhat sa katawan at
naglatag nito habang ang mga
lifeguards ay naiwan pa sa tubig,
ako na ang binigyang-
instruction nila. “I-CVR mo!”
“Ano iyon?” sigaw ko, ramdam
ang tensyon sa boses.
“I-pump ang dibdib at i-mouth to
mouth!”
At iyon ang ginawa ko kaagad.
Pump, buga ng hangin sa bibig
niya, pump, buga ng hangin …
Naka-ilang pump din ako at buga
ng hangin noong bigla siyang
umubo at sumuka ng tubig. Sa
pagkakita ng lahat,
nagpalakpakan sila sa sobrang
tuwa, ang iba ay nag-hug sa iba
pang mga buddies.
Ngunit imbis na matuwa,
kumawala sa akin ang galit na
matagal ko nang tinimpi. Tila
isang bulking pumutok ito at
naalimpungatan ko na lana ang
sariling inupakan ng suntok sa
mukha si Lito at pagkatapus ay
hinablot ang niya buhok upang
i-untog ang ulo sa sahig na
nilatagan.. “Tangina ka! Pauwi na
lang tayo, nagdadrama ka pa!
Ano ba ang gusto mong
mangyari ?!!” Sigaw ko sa kanya.
Alam ko, nabigla din si Lito sa
bilis ng mga pangyayari.
Disoriented pa iyong tao at
kababalik lang ng malay tapus,
suntok ang sumalubong sa
pagmulat niya ng mata.
Hindi makapaniwala ang lahat sa
nasaksihan nila. At sa pagkabigla
at nakitang hawak-hawak ko pa
ang buhok niya sa ulo akmang i-
untog ito sa sahig, hindi naman
sila magkandaugaga sa
pagsisigaw, “Warren! Warren!
Manghunos-dili ka!” habang ang
mga lalaki ay dali-daling
hinawakan ang mga kamay ko.
“Warren!!! Sumusobra ka na ah!
Ano bang akala mo sa sarili mo?
Nasalba na nga iyang tao sa
pagkalunod at ngayon ay gusto
mo namang patayin ?!!!” ang
sigaw ng moderator namin, galit
na galit at mistulang handang
paulanan na rin ng suntok ang
mukha ko.
“Arrrggggg!!!” Sigaw ko habang
pumiglas ako sa pagkahawak
nila at tumakbo sa may likuran
ng pumpboat na pinaandar na
patungo sa lugar namin. “Hindi
nyo lang alam kung gaano
katindi ang sakit na dulot ng
kahayukang ginawa niyan sa
akin! P**** ina niya! Binaboy
niya ako! Sinira niya ang
pagkatao ko !” At doon,
napahagulgol na rin ako.
Pakiramdam ko na sa kabila ng
naramdaman kong sakit ng
kalooban at agrabyo, wala akong
kakampi, at bagkus, ako pa ang
kontrabida.
Mistula namang nagulat ang
lahat. Alam ko na sa pagtagpi-
tagpi ng kuwento simula pa sa
deepening kung saan ni Lito
ibinunyag ang lahat, sa
pagkakatong iyon, nakuha na
nila kung sino ang taong tinukoy
ni Lito sa kanyang pag-unveil ng
kwento niya.
Habang patuloy ang pag-iyak ko,
hindi naman malaman ng mga
kasama namin kung ano ang
gagawin nila at kung kaninong
side sila papanig. Alam ko,
naguguluhan din sila. Habang
ang karamihan ay tinulungan si
Lito sa nangyari sa kanya, may
ilang kababaihang myembro
naman ang lumapit at
nagpakalma sa akin. “Buds…
pwedeng i-hug ka namin?”
Tila may sumundot naman na
nagpalambot sa puso ko sa
sinabi ng mga babaeng buddies
namin na iyon. At noong nag-
group hug kami, lalong tumindi
ang pagnanais kong i-unload
ang sakit at bigat ng kaloobang
dinadala. Napahagulgol uli ako sa
harap nila, hindi makatingin sa
kanila at patuloy na nagpapahid
ng luha.
“Ok lang iyan buds. Sige, ipalabas
mo ang lahat ng bigat ng
saloobin. ” ang sabi ng isang
buddy sa akin.
“Hindi ko alam kung bakit niya
ginawa sa akin iyon buds, eh.
Akala niya siguro, bakla ako.
Hindi ako bakla, tangina niya …”
ang mahinahon kong
pagpalabas ng hinanakit.
“Naintindihan namin buds…
masakit talaga ang naranasan
mo. ”
Sa pagkuwento at pag-unlaod ko
na iyon, naramdaman kong unti-
unting humupa ang tension sa
sarili. Tiningnan ko si Lito sa
kinauupuan niya, nakayuko lang,
tila tulala pa rin bagamat safe na.
At bakat pa rin sa mukha niya
ang matinding kalungkutan.
Ngunit sa sarili ko, nandoon pa
rin ang galit...
Lunes, balik-eskwela na naman.
Gustuhin ko mang maging
normal ang lahat ngunit pakiwari
ko ay pabigat ng pabigat ang
naramdam. Sa nangyari sa
pumpboat ay parang nag-iba
ang tingin ng mga tao sa akin.
Parang pinag-uusapan nila ako.
Alam ko kasi na kahit amin-amin
lang iyong mga sikretong
nabunyag sa deepening activity
namin, hindi rin maiwasang may
hindi makapagpigil na sikretong
magsalita, intentional man o
pahapyaw. Sa araw ding iyon
nalaman kong hiniwalayan na
daw si Lito ng girlfriend niya.
Ngunit parang wala lang din
epekto sa akin iyon. Minsan na
rin kasing inamin sa akin ni Lito
na di niya mahal ang girlfriend
niyang iyon. Ang masaklap lang
dahil naramdaman kong ang
girlfriend ko ay dry na ang
pakikitungo sa akin. Nand ’yan
iyong kapag inofferan ko siyang
ihatid, marami na siyang alibi,
kesyo dadaan pa sa kung saan-
saan, kesyo kasama niya ang
mga barkada, etc. etc. Kapag
sabihin kong bisitahin ko sa
kanila ay sasabihing may lakad,
may ipapagawa ang mama, mag-
aaral, etc. At kapag sa school
naman, kapag nakita niyang
nasa isang lugar ako, kusa itong
iiwas sa lugar kung saan ako
naroon. Hindi ko maintindihan
kung ang inasta niya ay dahil ba
sa mga naririnig niya o may
ibang dahilan. Pero malakas ang
kutob ko na dahil iyon sa mga
naririnig niya tugkol sa nangyari
sa amin nio Lito. Andaming
bumabagabag sa isip ko. Tuliro,
hindi makapagconcentrate ng
maigi, at bwesit na bwesit na sa
buhay. At ang dahilan ng lahat?
Si Lito.
Sa nagdaang mga araw, hindi ko
na pinapansin si Lito. Bagamat
alam kong gusto niyang
makipagbati, ngunit matigas ang
paninidigan ko. Napansin ko rin
ang pananamlay niya, at ang
pagpayat. At hindi na siya
palaimik, naka-upo na lang sa
isang sulok. Pati grades niya ay
naapektuhan din. May mga tests
na wala siyang sagot at palaging
nag-aabsent. Dahil dito ay
nagworry ang mga professor,
mga kaklase at mga kaibigan na
rin namin.
Isang araw, bigla na lang akong
ipinatawag ng Guidance
counselor. Pagpasok ko sa room,
nakita ko ang mga magulang ni
Lito, kausap ang madreng
Guidance counselor ng school.
“Please take your seat, Warren”
ang sabi kaagad ng counselor.
Kumuha ako ng isang silya at
naupo sa tabi ng mga magulang
ni Lito. Ang inaasahan ko ay
pagagalitan nila ako. Ngunit
noong tingnan ko ang mga
mukha nila, wala akong
nakikitang galit bagamat pansin
ko ang lungkot sa kanilang mga
mata. Kinumusta ako at niyakap
pa nila.
“Warren, we need your help.”
Ang seryosong sabi sa akin ni
Sister. “Sana, you are willing to
do it...”
“A-ano po iyon, Sister?” ang
tanong ko, nag-aalangan kung
anong tulong ang gusto nilang
gagawin ko.
“Warren, alam kong may
problema kayo ni Lito. May alam
kaming kaunti. Ano man iyon, sa
inyo na lang iyan. I am not
blaming you. Pero alam mo, I am
very much worried para kay
Lito. I feel na hindi na siya ang
dati kong anak. Iba na siya,
Warren. Palaging wala sa sarili,
tulala, hindi kumakain, hindi
makatulog. At minsan hindi na
nag-aayos sa sarili. Ang
kinatatakutan ko ay kung hindi
siya maagapan, ay baka
masiraan siya ng bait o kaya…”
napahinto siya ng sandal gawa
ng pag-crack ng boses. “…
magpakamatay” at tuluyan na
siyang umiyak. “Bilang isang ina,
napakasakit pagmasdan na ang
anak mo na dating puno ng sigla,
puno ng pangarap, puno ng
pagmamahal, ng mga pangarap
ay biglang magbago at mawalan
ng sigla. Napakabata pa ng anak
ko, Warren para masira ang
buhay niya. Ikaw lang ang
makatulong sa kanya Warren,
nagmamakaawa ako …” dugtong
ng mama niya.
Tila tinusok naman ang puso ko
sa awa. Simula kasi noong
magkaibigan pa kami ni Warren,
napakabait ng mama at papa
niya sa akin. Kapag doon ako
natutulog sa kanila, nakakasama
naming sila ni Lito sala,
nagkukwentuhan, tawanan,
sabay nanonood ng palabas sa
TV. At kapag may importanteng
okasyon sa kanila, hindi
pwedeng wala ako dahil
pinapatawag nila ako at
pinapadlo. Alam ko, napamahal
na rin ako sa kanila, lalo na ’t nag-
iisang anak lang si Lito at ako ay
itinuturing niyang kapatid.
Turing nila sa akin ay talagang
bahagi na ng pamilya nila.
Mayaman ang pamilya nila. At
kahit ako ay anak-mahirap lang,
napakabait nila sa akin at
marami nang naitulong lalo na
kapag kapus ang mga magulang
ko sa pang-tuition. Ang totoo
nga niyan, sila mismo ang
nagpumilit na mama at papa na
rin ang itawag ko sa kanila.
“A-ano po ba ang maitutulong
ko, Ma?” tanong ko.
“Puntahan mo si Lito Warren.
Kausapin mo siya. Patawarin mo
siya kung ano man ang nagawa
niya sa iyo. Ibalik mo ang dating
pagkakaibigan ninyo …
Tatanawin kong malaking utang
na loob sa iyo kapag
napagbigyan mo kami, Warren,
sana maawa ka kay Lito. ”
Mahirap para sa akin ang hiniling
nilang iyon. Para bang heto, ako
ang agrabyado, pero ako pa
ngayon ang lumalabas na may
kasalanan. Pero dahil sa awa ko
sa mga magulang ni Lito, ang
nasabi ko na lang ay, “S-sige po,
Ma… pupuntahan ko siya,
ngayon din.
At sa gabi ng araw na iyon, doon
pinuntahan ko si Lito sa bahay
nila. At dahil napagkasunduan
naming ng mga magulang
niyang doon muna ako titira sa
kanila ng at least isang linggo,
nagdala na rin ako ng kaunting
mga personal na gamit.
Noong makarating na ako sa
bahay nina Lito, pinaderetso na
ako ng mga magulang niya sa
kwarto ni niya at hindi pa raw
ito kumain at hindi lumalabas ng
kwarto. Umakyat ako ng second
floor kung saanang kwarto niya.
Noong nasa harap na ako ng
pintuan, hinwakan ko ang door
knob at tinangkang buksan ito.
Ngunit naka-lock ito.
Kumatok ako. Walang sumagot.
Kumatok uli ako, mas malakas-
lakas. Wala pa ring sumagot.
“Tol!” sigaw ko, habang
kumakatok anko ng mas malakas
pa. Wala pa ring sagot.
Sumigaw na ako, “Tol!!! Si
Warren to, buksan mo ang
pinto !!!” Wala pa ring sumagot.
Dahil sa hindi pagsagot na iyon
ni Lito, bigla akong kinabaha.
Tumakbo na ako pababa, sa sala
kung saan nandoon ang mama
at papa ni Lito. “Ma, pa! Walang
sumagot sa kwarto ni Lito!
Buksan natin !”
Nataranta naman ang papa ni
Lito. Dali-dali niyang kinuha ang
master key at tinumbok ang
kwarto ng anak. Agad din
kaming sumunod.
Noong nabuksan na ang kwarto,
malakas na tili ang kumawala.
“ LITOOOOOOOOO!!!”
(Itutuloy)

tol...i luv you! part 5

“ARRRGGH!” sigaw kong bigla
upang maputol ang pagsasalita
ni Lito at mabaling ang atensiyon
ng grupo sa akin. Hinawakan ko
naman ang isa kong paa,
nagkunyaring may masakit sa
parte na iyon at pasikretong
kinurot ito ng malakas. “Kinagat
ako! Shiit! Ahhhhh!”
Nagulat at nagkagulo ang mga
kasama namin. Ngunit nanatili si
Lito na nakaupo sa hotseat,
nahalata ang pag-arte kong iyon.
Pasikreto ko naman siyang
dinilatan, pahiwatig na ayaw
kong ituloy pa niya ang
sasabihin.
“Ano ba’ng kumagat sa iyo?
Tanong ng moderator sa akin,
halatang kinabahan sa nangyari.
“Ewan ko ba, buds…”
“Tingnan ko nga…” Sinuri niyang
maigi ang paa kong inireklamo.
“ Parang wala namang kagat,
namumula nga lang na parang
nakurot. ”
Ramdam ko naman ang
pagkahiya sa sinabing iyon ng
moderator. “K-kaya nga eh...”
“Sobrang sakit ba buds?” tanong
ulit niya, tiningnan ang mukha
ko.
“Hindi na… hindi na buds. Medyo
OK na sya.” Ang pagdadahilan ko
na lang upang hindi na sila
magwo-worry at baka mahalata
na ang pag-arte ko.
“Ah, sige. Obserbahan na lang
muna natin at kapag in a few
minutes ay masakit pa rin siya o
lalong titindi ang sakit o kaya
may iba kang naramdaman sa
katawan, tatawag na tayo ng
first aid. ”
“S-sige buds. Iyan na lang ang
gagawin natin.” Sagot ko.
Napalagay naman ang sarili ko
sa narinig.
Binitawan ng moderator ang
tatlong mabilis na sunod-sunod
na palakpak, pahiwatig ng
attention. “OK mga buddies,
tuloy natin ang activity!” sigaw
niya sa grupo na sumunod din
kaagad sa utos niya at kanya-
kanyang nagsibalikan sa
kinauupuan. Ibinaling niya ang
tingin kay Lito na nanatili pa ring
nakaupo sa hotseat. “Ituloy mo
na buds!”
“S-saan na pala akong parte?”
Tanong ni Lito sa kanila.
“Doon buds sa may parang
nadiskubre ka sa sarili ba
iyon …?” sigaw ng isang buddy.
“Ah…” Napahinto si Lito ng
sandali. Palihim na tumingin sa
akin. “M-may nagawa akong
kasalanan sa isang tao...”
Bumalik na naman ang lakas ng
kabog ng dibdib ko sa narinig at
ramdam kong may
nagbabadyang matinding galit
na namang dadaloy sa aking
kalamnan. “Tangina! Ayaw talaga
paawat! Lagot ka sa akin kapag
itinuloy mo pa iyan !” sigaw ng
utak ko.
Nagpatuloy si Lito. “Noong
magkita kami ng taong ito,
inimbita ko siya sa bahay at
doon, nag-inuman kami. Noong
malasing siya, may nagawa
akong pang-aabuso sa kanya …
Hanggang ngayon, hindi ko
maiwaglit ang pagkakasalang
iyon, lalo na kapag nakikita ko
ang taong ito at ipinapakita niya
sa akin ang galit niya sa ginawa
ko. ”
Natahimik ang lahat. Ramdam
kong maraming naglalarong
katanungan sa kanilang mga
isipan ngunit hindi lang nila
kayang diretsahang maitanong
ang mga ito, marahil ay sa hiya o
takot na baka mapahiya si Lito.
Ngunit may isang buddy ring
hindi nakatiis, “E… B-babae ba
tong tao na to, buds?”
“Lalaki, buds…” and deretsahang
sagot ni Lito.
Tumango-tango naman ang
buddy na nagtanong, tila
kinumpirma ang naglalarong
hinala sa kanyang utak.
“Underage?” Tanong naman ng
isang buddy.
“Hindi.”
“Ah… hindi naman pala eh. OK
lang iyan buds. Walang
mawawala sa lalaking nasa edad
na. ” patawa naman ng isa.
Tawanan ang lahat. Yumuko na
lang ako, ang isip ay sumisigaw
ng, “Anong walang mawawala?
Labag sa kagustuhan, binaboy,
tas walang mawawala ?” Ngunit
sinasarili ko na lang ito sa takot
na baka mag-isip silang ako ang
lalaking tinutukoy.
Maya-maya, may nagtanong pa
uli, tila nahihiya ang tono. “B-
bakla ka buds?”
Hindi kaagad nakasagot ni Lito.
Mistulang may bumara sa
kanyang lalamunan at pansin ko
ring umiyak na naman siya.
“ Hindi ko alam buds… eh. Kaya
nga akoy nalilito at nagagalit sa
sarili, mahirap tanggapin, at lalo
na, may nasaktan akong tao …”
ang sagot niya habang
pinapahid ng isang kamay ang
mga luhang dumaloy sa pisngi
niya.
Patuloy mang kinabahan, wala
na akong nagawa pa kungdi ang
ipaubaya ang lahat kay Lito.
“ Bahala na… pero lalo kang
makatikim sa akin, tangina mo!”
sigaw ng utak ko.
“Kilala ba namin ang taong
sinasabi mo?”
Hindi nakasagot agad si Lito.
Halatang nag-isip. Maya-maya,
ibinaling niya ang paningin sa
akin.
Yumuko ako. “Tangina mooooo!
Wag mo akong iturooo!” Sigaw
ko sa sarili.
“Hindi na importante iyon mga
buds, kung kilala ninyo siya o
hindi. ” Ang sagot niya.
“OK… nirerespeto namin ang
sagot mo. Pero heto, sensya ka
na sa tanong na to pero alam mo
buds … napansin namin kanina sa
search for prince charming
habang naka swimming trunks
lang kayo na may bakas ng mga
kagat ka sa likod. Paano ka ba
nakagat? At bakit ?”
Mistulang naputukan naman ako
ng bomba. “Tarantado kasi…
tangina. Naghuhubad-hubad pa,
di man lang naisip na hindi pa
nawala ang bakat ng kagat! Sige,
sabihin mo at makakatikim ka na
naman sa akin …” bulong ko.
“Ah… e… pwede ba buds sa akin
na lang iyon?” ang sagot niya.
Natahimik na lang ang lahat.
Batid nila na tila hindi pa handa
si Lito na ilahad ang lahat ng
kuwento niya. Alam ko, lalong
dumarami ang mga katanungan
sa kanilang isipan tungkol kay
Lito.
Nagsalita ang moderator. “Alam
mo, buds, hindi porke’t nangyari
sa iyo ang bagay na iyan
ngayon ay masasabi mo na isa
kang bakla. Marahil ay kung
lilipas ang ilang taon at ganoon
pa rin ang naramdaman mo sa
kapwa lalaki, marahil iyan na
nga. Ngunit ang pinaka-
importanteng masasabi ko sa
iyo, ay kahit ano ka pa man,
tanggap kita at palagi kitang
susuportahan. ” Nilingon niya
ang kapwa participants, “Kayo
ba mga buddies, tatanggapin at
susupurtahan pa rin ba ninyo si
Lito kung sakaling bakla nga
siya ?”
“Syempre, buddy natin iyan?”
sigaw naman ng mga buddies.
“So why don’t we show him our
support!”
At sabay-sabay naman silang
tumayo at nag-group hug. Naki-
group hug na rin ako kahit na
ang laman ng isip ko ay galit at
pagbabanta, “Sige… ngayon may
group hug ka sa grupo. Pero
humanda ka at may mas
malaking paddle at kagat ka uli
sa akin! Tangina, ginagalit mo
talaga ako !”
Noong ako naman ang nasa
hotseat, ang binuksang issue ko
lang ay ang problema sa
pamilya, sa konting hindi namin
pagkakaunawaan ng tatay ko na
normal lang naman sa mag-ama,
at mga malilit na issues lang
kumpara sa karamihan sa kanila.
Kaso, may nagtanong. “Buds,
bakit pala parang hindi kayo
nagkikibuan ni Buddy Lito? Mag-
best friend kayo, diba ?”
Napangiti naman ako ng pilit. Ini-
expect ko na kasi na baka may
magtanong. Alam ko kasing may
mga nakapansin na hindi kami
pagkikibuan ni Lito, na siguirado
ako, nakadagdag-intriga sa
kanila lalo na sa ginawang
pagbunyag ng aking kaibigan.
“ Ah… normal lang yan sa
magkakaibigan buds…” Sagot ko
na lang.
“Hindi nyo ba pwedeng i-share
kung ano man ang di ninyo
pagkakaunawaan at upang ma-
reconcile kayo dito mismo ?”
Biglang kumabog na naman ng
malakas ang dibdib ko. “Ah…”
Tiningnan ko si Lito na nakaupo
na kasama sa ibang mga
participants.
Noong makita niyang tiningnan
ko siya, yumuko ito, tila ang
mensahe ay, “Bahala ka kung
sasabihin mo o hindi”.
“Pwede bang sa amin na lang
iyon?” ang sagot ko na lang.
“Ah, ok. Nirerespeto namin ang
desisyon ninyo. Pero Kasi
sayang iyong ipinakitang
closeness ninyo eh. Inggit nga
kami sa samahan ninyo. Para
kayong kambal na hindi
naghihiwalay sa sobrang pagka-
malapit sa isa’t-isa, tapus bigla na
lang ganyan. Pero pwede bang
kung ano man iyang mga
disagreements ninyo ay
magpatawaran at mag-reconcile
kayo dito mismo? Kasi di ba ang
objective natin sa deepening na
ito ay ang mag-improve tayo,
matutu ng mga leksyon sa
buhay... ”
Sumang-ayon naman ang
marami. At may sumigaw na.
“ Hug! Hug! Hug!” hanggang sa
lahat na ng buddies ay sumigaw
ng “Hug! Hug! Hug!”
Hindi tumayo si Lito, marahil ay
sa takot pa rin na hindi ko
tatanggapin kung siya ang
unang lalapit sa akin. Kaya upang
matapos na ang lahat at dahil
ako naman ang nasa hotseat,
ako na ang tumayo at lumapit sa
kanya. Tumayo siya at nag-hug
kami. “Tol, patawad…” ang
bulong niya.
Ngunit binulungan ko sya ng,
“ Tangina mo. Lalo mo akong
ginagalit! Plastikan lang ito ha?
Hindi pa ako tapus sa iyo !”
habang kunyari nakangiti ang
mukha ko upang hindi mahalata
ng mga kasamahan.
Habang nagpalakpan ang mga
buddies, ramdam ko naman ang
pagkadismaya niya. Bumalik ako
sa hotseat at binigyan na ako ng
group hug ng grupo.
Mag-aalas singko na noong
matapus ang deepening. Bumalik
na ako sa cottage kung saan ako
naka-assign upang magpahinga.
Nakahiga na ako noong tinapik
ako ng isang buddy at gusto
daw akong kausapin ni Lito.
Ayaw ko sana ngunit dahil
kailangang ipakita kong close na
kunyari ulit kami kaya, “O Tol!
Anong atin?” bati ko kunyari sa
kanya at nakangiti pa habang
tumayo ako palapit sa kanya.
“Heto gusto kitang makausap”
sagot niya.
“O, e di sige… doon tayo sa may
likod nitong cottage” Turo ko sa
parteng may malalaking kahoy
at medyo malayo-layo na sa mga
kasama namin.
Pagkadating namin sa lugar at
noong mapansing hindi na kami
maririnig at makikita ng mga
kasama, agad kong binanatan ng
mura si Lito. “Tangina mo! Bat ka
ba nagdrama! At muntik mo pa
akong ibuking? Wala ka nang
ginawa kundi sirain ang buhay
ko, tarantado ka !” sabay din
bitiw ng malakas na batok sa
kanya.
Napahaplos siya sa parting
binatukan ko ngunit hindi ito
gumanti. Bagkus, buong
pagkumbaba pa itong nagsalita.
“ Tol, manghingi lang naman ako
ng tawad eh.” Ang sagot niya.
“Gago! Paano kita mapapatawad
niyan, e hindi pa nga ako naka-
recover sa mga pinaggagawa
mo sa akin, heto na naman,
gusto mo na naman akong
pahamak !”
“G-guilty ako, tol. Di ako
makatulog, di ako mapakali.
Binubulabog ako palagi ng
kusyensya ko. Heto nga, di ko
maintindihan ang sarili sa
nadiskubre ko sa sarili at sa
naramdaman ko para sa iyo,
tapus ngayon heto, nasaktan kita
at sinira ko ang pagkakaibigan
natin. Ang hirap tol. Di ko alam
kung ano ang gagawin, kung
kanino manghingi ng payo.
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako
sa mundo, walang kakampi,
walang nakakaintindi, walang
mapagsabihan ng
nararamdaman ko. Para akong
mababaliw... ”
“Bullshit! Sarili mo lang ang
inintindi mo! Bakit ako, hindi mo
ba sinira ang buhay ko? Hindi
mo ba sinira ang sarili kong
pagtingin sa sarili? F*** You !”
sigaw ko.
“Kaya nga nanghingi ako ng
tawad tol eh…” at lumuhod siya
sa harap ko.
“Pwes, di kita mapapatawad!
Kapag may nakakakita sa iyo
d ’yn, ano na naman ang isipin
nila? Hindi mo ba naiisip yan?
Ha? Ha? Matalino kang tao pero
heto, hindi ka nag-iisip! Tumayo
ka d ’yan, tangina! At hindi pa
ako tapos sa iyo, tandaan mo.
Mas matindi pa ang sunod na
gagawin ko sa iyo !”
“T-tatanggapin ko, tol kung ito
ang paraan para mapatawad mo
ako. Kahit ano … Kahit
magpapaalipin pa ako sa iyo…”
“Gusto mong madali ang
pagpatawad ko sa iyo? Ganito
ang gawin mo: magpakamatay
ka, mapatawad kita kaagad !”
sabay walkout.
Magtatanghali na iyon noong
lumisan na kami sa isla.
Dalawang pumpboat ang inarkila
namin at ewan ko kung sinadya
ni Lito na doon din sumakay sa
pumpboat ko. Noong nasa
kalagitnaan na kami ng dagat,
nagbiruan kami tungkol sa mga
girlfriends at boyfriend namin.
“Kapag sabihin ng mahal mong
tatalon ka d’yan para patunayan
ang pagmamahal mo sa kanya”
sabay turo sa dagat “…tatalon
ka?” tanong ng isang buddy
naming lalaki.
“Oo naman…” sagot ng isang
buddy naming lalaki, “…walang
pagdadalawang-isip.”
“E, kung gusto mo namang may
taong tumalon d’yan, sino
naman iyon?” ang biro naman
ng isang buddy.
Ako ang sumagot sa biro niyang
iyon. “A, iyong may utang sa
akin, na hanggang ngayon ay
sinisingil ko pa rin !” sabay tawa.
Tawanan din ang grupo. Wala
naman para sa akin ang biro na
iyon. Ngunit maya-maya, may
narinig na lang kaming sigaw,
“ Mga Buds! Nalaglag si Buddy
Lito sa dagat!” habng turo-turo
niya ang parte kung
saannaiwanan na si Lito.
“Ipahinto ang pumpboat!
Ipahinto ang pumpboat!” Sigaw
ko, bigla akong nataranta. “Hindi
marunong lumangoy iyon!!!”
(Itutuloy)

tol...i luv you! part 4

Mistulang tutulo na rin ang mga
luha ko habang kinakanta ng
kasama naming singer ang
kantang “Lead Me Lord”. Ang
bawat kataga noon ay tila mga
sibat na tumatama sa bawat
puso naming mga participants.
Ewan ko kung ano ang mga nasa
isip ng mga kapwa kong
“ buddies“ pero sa kanta pa lang
ay tila nanumbalik ang katinuan
ng pag-iisip ko, pakiwari ko ay
may gumagapang na lungkot sa
buong katawan, may hinahanap
na kung ano sa kaibuturan ng
aking pagkatao. “Bakit nga pala
narito ako sa mundong ito na ni
minsan hindi ko naman pinili o
ginusto ang ipanganak dito?
Sino ba ang nagdesisyon nito
para sa akin? At bakit? Bakit sa
parte pa ng mundong ito, at sino
ang pumili para sa akin ng mga
magulang ko, ng ganitong
klaseng buhay ko …? Ano
purpose ko dito sa mundo?
“Shiiiiiittttt! Bakit ba ako napasali
pa dito!” Sigaw ko sa sarili, di
makapaniwalang masadlak ako
sa ganoong klaseng activity.
Naramdaman ko na maraming
tuwalyang mapipiga sa dami ng
luhang expected kong aagos sa
activity na iyon. Ako kasi, ayaw
ng iyakan o sobrang drama.
Gusto ko masaya, katatawanan,
kantyawan, bangkaan ng kung
anu-anong kabulastugang
experiences.
Nagsalita ang aming moderator.
“ Gawin muna nating semi-circle
ang arrangement ng pag-upo
natin …”
Tumayo kami at nag-adjust sa
pag-upo sa mabuhanging beach
upang ma-porma ang semi-circle,
karamihan ay naka-upong naka
cross-leg. Noong makapwesto na
ang lahat, pumwesto naman sa
bakanteng space paharap sa
amin ang moderator at naupo sa
sentro nito. “Itong lugar na
inuupuan ko paharap sa inyo ay
tatawagin nating ‘hot seat’. Kung
sino ang magsasalita o magsi-
share ay lilipat dito at dito uupo.
Ang sequence naman ng pagsi-
share ay through lottery. Kung
sino iyong nagsasalita ay
pagkatapus niya, siya ang
bubunot ng pangalan ng
susunod na mag-share. Dito
bubunutin ang pangalan. ” At
inangat niya ang garapun kung
saan nakalagay ang mga
pangalan namin. “Wala bang
tanong?”
Walang sumagot.
“At… oo nga pala, libre kayong
magbigay ng katanungan,
kumento o payo. Ngunit bawal
ang criticism o ang makikipag-
argumento. OK, ako ang bubunot
sa pangalan ng unang
magsasalita ” At dinukot na ng
moderator ang pangalan ng
unang magsasalita.
Nong binasa na ang pangalan,
pangalan ng isang babaeng
kasama namin. Siya iyong
baguhan sa school na galing ng
Maynila at bagamat nakikita
namin sa panlabas niyang anyo
na isa siyang magandang babae,
sexy, magandang magdamit,
pang beauty queen o model
material, masayahing kaibigan,
palabiro at sweet sa lahat ng
mga myembro, hindi pa namin
talaga siya masyadong kilala.
Tumayo siya at pumwesto na sa
lugar kung saan unang nakaupo
ang moderator habang ang
moderator naman ay umupo sa
inuupuan noong babaeng
magsi-share.
Noong maupo na ang babaeng
“ buddy” naming iyon, sobrang
tahimik ang lahat animoy
nagpipigil ang bawat isa sa kung
ano mang emosyon ang
pweding umapaw. Sabi ko
naman sa sarili, “Ah, ano naman
kayang i-share nito, e, kung
titingnan mo sa panlabas na
anyo, ay tila wala na itong
mahihiling pa sa buhay. ”
“Magandang gabi –“
“Magandang umaga!” ang
pagbutt-in naman ng moderator
namin, pansin ang alertness niya
at kasanayan sa pag-handle ng
ganoong klaseng activity.
“Ay… umaga na pala. Good
morning!” sambit niya, napangiti
sa pagkakamali, at natawa
naman ang lahat, bagay na
nagpapagaan sa mabigat na
emosyon sa tagpong iyon.
“Ok…” ang pagsimula uli ng
buddy naming nasa hotseat na
tila ay humugot ng lakas ng loob
na magsalita. “Ang pinaka-low na
parte ng buhay ko na hanggang
ngayon ay nandyan pa rin ang
bakas ay iyong …” napahinto
siya ng sandali, pilit na pinigilan
ang pag-crack ng boses
Pigil-hininga naman kaming mga
nakikinig.
“…naanakan ako. Aaminin ko sa
inyo, na kaya ako lumipat ng
school ay dahil gusto kong
iwasan ang mga masasakit na
alaala sa parte ng buhay ko na
iyon. Noong malaman ng
boyfriend na buntis ako, gusto
niyang ipalaglag ang bata. Hindi
ko sinunod ang gusto niya. At
noong malaman niyang hindi ko
siya sinunod, iniwanan niya ako.
Ang masaklap, nadiskubre kong
may asawa pala siya at sumugod
sa eskwelahan ko ang asawa
niya. Nag-iskandalo ang babae at
tuloy, nalaman ng buong campus
na naging kasintahan ko ang
isang may pamilyang tao, at na
buntis ako. Sa hiya, hindi ko na
tinapus pa ang semester. Galit na
galit sa akin ang papa ko at
pinalayas ako sa bahay. Lumayas
ako. Iyon ang panahon na
pakiramdam ko ay gumuho ang
mundo ko. Hindi ko na
naramdaman pang may pag-asa
at pakiwari ko ay lahat ng tao ay
galit sa akin, pinagtatawanan
ako, pinagkaisahan. Sa totoo
lang, ilang beses ko ring pinag-
isipan ang magpkamatay. Mabuti
na lang at kahit papaano,
nandoon ang mama ko at
patuloy na sumusuporta.
Naramdaman ko ang
pagmamahal niya at pagdepensa
niya sa mga paninira sa akin.
Kinausap niya ang tita na doon
muna ako pansamantalang titira
sa kanila – hanggang sa
panganganak ko… Pinilit kong
itago sa mga kaibigan ko ang
mapait na kalagayan at masakit
karanasan sa takot na di nila ako
maintindihan o matanggap. Kaya
lumipat ako ng paaralan dito sa
probinsya. Ngunit ang hirap pala
kapag may itinatago ka…
sobrang bigat ng kalooban.”
Huminto siya ng sandali, pinahid
ang mga luha sa kanyang mga
mata at noong tila
nahimasmasan, binitiwan ang
isang pilit na ngiti. “Ngunit hindi
ko pinagsisihan ang pagsuway
sa boyfriend ko na ipalaglag ang
bata. Isang taon na ang baby ko
ngayon. Malusog na batang
lalaki, bibo, makulit... Siya ang
inspirasyon ko ngayon at
bubuhayin ko siya kahit ano
man ang mangyari …”
Iyon ang kwento ng unang
kasama namin sa nag-share.
Napa “Shit!” naman ako sa sarili
sa pakiramdam na tila may
sumundot-sundot na kung ano
sa puso. May sumunod na mga
tanong sa kanya kagaya ng
natanggap na ba niya ang
kalagayan, ano ang naramdaman
niya ngayon para sa ama na
hindi nakapagbigay ng suporta,
ano ang dulot at impact ng
karanasan niya na iyon sa
pananaw niya sa buhay, kung
wala ba siyang pinagsisihan o
gusting ituwid sa sarili kung
mayroon man, at ano ang
naramdaman niya ngayong
nabunyag niya sa amin ang
sikreto niya.
Ang huling tanong na iyon at
ang sagot niya noong sinabi
niyang “gumaan ang
pakiramdam niya” sa pag-unload
niya sa amin ng kanyang
saloobin ang nagpaisip sa akin
ng malalim dahil naranasan ko
ang sinabi niya na sobrang hirap
kapag may itinatagong sikreto.
Noong wala nang nagtanong,
group hug.
Ang sunod na pangalang
nabunot ay sa isang lalaki. At sa
hotseat isiniwalat niya ang mga
hinanakit sa mga magulang
noong naghiwalay ang mga ito.
Syempre, umiiyak dahil sa mga
emotional at financial na
kahirapang naranasan. “Noong
una, sobrang sakit at hirap
tanggapin na ang papa ko ay
nasa ibang bahay, sa ibang
pamilya at kaming apat
magkakapatid ay nagkahiwa-
hiwalay din. Yun bang
pagbabago ng nakasanayan,
iyong pamilyang buo, iyong
pagmamahalan na nasira, iyong
saya na biglang naglaho.
Syempre, iyong pagmamahal ng
magulang, iyong psychological
na hirap, at dagdag pa dyan
iyong finances, hindi na kami
regular na binibigyan ng
suporta. Minsan walang pera,
walang baon, nangungutang
para lang maka-attend sa test,
iyong mangungutang ang mama
ko uli at hindi pauutangin dahil
may utang pang hindi
nabayaran … Hirap! Kahit anu na
lang ang naiisip ng mama ko. At
dahil sa ako ang panganay, di ko
na rin alam ang gagawin upang
makahanap ng paraan para
makatulong. Hindi ko alam kung
hanggang saan ang paghihirap
naming. Pero, para sa akin,
habang buhay, lalaban ako.
Pipilitin ko pa ring makatapus ng
pag-aaral upang makatulong at
maipakita sa papa ko na
mabubuhay kami kahit wala
siya…”
Iyan ang kwento ng
pangalawang buddy. At
pagkatapus, tanungan naman,
advice, at ang group hug noong
wala nang nagtanong.
Sa kabuuan, nagustuhan ko ang
takbo ng activity dahil kitang-
kita ko sa mga nagsi-share ang
sincerity nila at kawalang-takot
na ihayag ang mga saloobin.
Pansin ko rin ang dulot na saya
sa mga mukha nila ang pag-open
up, pag-unload ng mga saloobin
at ang relief na maramdamang
may mga taong nakakaintindi,
nakikiramay, nakikiiyak. At doon
ko rin na-realize na iba ’t-ibang
tao, iba’t-ibang drama sa buhay.
Minsan, akala mo ay walang
problema o matinding
karanasan, iyon pala ay
masasabi mong kung hindi
kasing-tindi, mas matindi pa ang
mga pagsubok na naranasan.
Ngunit may dulot din itong kaba
sa akin, syempre, dahil sa
nangyari sa akin, sa amin ni Lito.
“ Ah… bahala na!” sigaw ng utak
ko.
Ang sunod na tinawag ay si Lito.
Sa pagbigkas pa lang sa
pangalan niya, pakiramdam ko
ay may biglang kumalampag sa
dibdib ko at nagpalakas sa
kabog nito. Sinundan ng mga
mata ko ang pagtayo niya,
paglalakad patungo sa hotseat,
hanggang sa pag-upo niya.
Naka-cross leg siya at seryosong
nakatingin sa harap. Tinitigan ko
siya, nagbakasakaling titingin
din siya sa kinauupuan ko at
makuha niya ang ibig kong
ipahiwating – na huwag buksan
ang issue tungkol sa amin.
Ngunit hindi siya tumingin sa
akin.
“Mixed emotions ang
naramdaman ko sa activity natin
na ito …” ang pambungad niyang
salita. “Marahil ay sa panalabas
kong anyo, masasabi ninyong
wala akong problema dahil heto,
may kaya ang mga magulang ko,
ako naman ay kahit papaano,
nasa top 5 palagi ang pangalan
sa honor ’s list, at kung sa
postura ang pag-uusapan,
nakakalamang naman siguro ako
sa marami. ” Ang pag-describe
niya sa sarili.
Napatango naman ang lahat
dahil sa totoo lang din, gwapo si
Lito, matangkad, matalino, neat
at proportioned ang katawan,
magandang magdala ng damit,
at maraming tagahanga. Kung
tutuusin, nga di hamak na
maihahanay siya sa mga batang
sikat na mga artista at modelo sa
kasalukuyan.
“Walang dudang mahal na mahal
ako ng mga magulang ko. Simula
noong bata pa lamang, ramdam
ko na ang lubos na pagmamahal
nila sa akin. Akala ko normal
talaga ang lahat sa amin. Ngunit
noong magha-high school na
ako…” hindi naipagpatuloy ni
Lito ang sasabihin noong mag-
crack ang boses niya at
humagulgol na lang na parang
bata, halos nahirapan sa
paghinga.
Nilapitan siya ng moderator.
Nagsunuran na rin ang iba pa
naming mga kasamahan. Nag
group hug. “OK ka lang ba?
Ituloy pa natin? O kailangan
mong magbreak muna, tatawag
tayo ng iba ?”
Pinahid ni Lito ang mga luha sa
pisngi, ininum ang tubig na
ibinigay ng moderator. “Ok lang
buds, ituloy ko…” sagot niya.
At nagsibalikan kami sa mga
pwesto namin.
Nagpatuloy siya. “… Iyon nga,
noong maghigh-school na ako,
aksidente kong nabuksan ang
drawer sa kwarto ng mga
magulang ko at doon nakita ko
ang isang dokumento – adoption
papers. Doon ko nadiskubre na
ampon lang pala ako …” Huminto
muli si Lito ng sandali at pinahid
ang mga luha sa mukha,
halatang pinigilan ang sarili na
huwag humikbi. “Kinulit ko ang
mga magulang ko tungkol dito at
umamin sila. Ipinaampon daw
ako ako ng tunay kong mga
magulang. Noong malaman ko
iyon, naglayas ako ng isang
lingo dahil hindi ko matanggap-
tanggap na ang mga taong
nagpalaki at umaruga sa akin
simula noong bata pa ako ay
hindi ko pala tunay na mga
magulang. Ansakit … sobra. Iyon
bang feeling na parang
pinaglalaruan ka lang ng mga tao
at tadhana, na ipinasa-pasa lang
na parang tuta. Sobrang galit ang
naramdaman ko sa kanila, sa
mundo. Wala namang nagbago
sa pakikitungo at pagmamahal
ng mga itinuring ko ngayong
tunay kong mga magulang.
Ngunit ang sakit na nadarama
kong ipinamigay lang ako …
grabe. Hanggang ngayon, puno
pa rin ng galit ang puso ko para
sa kanila … kaya noong kausapin
ako ng mga magulang ko na
lilipat kami dito at dito na rin ako
mag-aaral, pumayag na rin ako.
Ayokong baka isang araw ay
makilala ko pa ang tunay kong
mga magulang doon sa malaking
syudad…”
Tahimik.
Hindi ko lubos maipaliwanag ang
tunay na naramdaman sa
pagkarinig sa kwento niya. Noon
ko lang nalaman na ampon lang
pala siya. Dahit dito, ang galit na
nadarama ko sa pambababoy na
ginawa niya sa akin ay parang
unti-unting humupa at parang
may kung anong awa ang
gumapang sa buo kong
katauhan. Biglang sumiksik sa
isipan ang eksena kung saan
nag-iiyak siyang amining mahal
niya ako, ang pag pakumbaba,
pagtiis, at pagtanggap niya sa
ginawa kong pananakit sa
kanya. Noon ko lang na-realize
na sobra-sobra pala ang
paghihirap niya at
nadaragdagan ko pa pala iyon.
Kampante na ang isip ko na iyon
lang ang iki-kwento ni Lito sa
grupo. Akala ko ay wala na
akong alalahanin pa sa mga
isiniwalat niya ngunit noong
may magsitanungan na,
nagsalita na naman ulit siya,
“ May isa pa akong sasabihin…”
Biglang natahimik uli ang lahat.
“Nitong bago lang, may isang
bagay din akong nadiskubre sa
sarili ko …” Huminto si Lito sa
pagsasalita, yumuko na parang
humugot ng lakas at bwelo.
Kinabahan naman ako at muling
kumabog ng malakas ang dibdib.
“ Tangina! Wag mong buksan!!!”
sigaw ng tuliro kong isip.
“Ewan ko ba ngunit may
nararamdaman ako para sa
isang kaibigan …”
Napayuko na lang ako, itinakip
ang dalawang kamay sa mukha,
inihanda ang sarili sa sasabihin
niya. “Arrgggghhh!” sigaw ng
utak ko.
(Itutuloy)

tol...i luv you! part 3

“Tolllll!! Ansakitttt!!” Sigaw ni
Lito.
“Masakit pala ha?! Mas masakit
pa d’yan ang naramdaman ko,
tangina mo! Binaboy mo ako,
walnghiya kaaa! Heto pa!
Ummmm !”
“Tollll! Sakittttt! Tama na Tollll!”
Sigaw uli ni Lito.
“Sige, magmakaawa ka,
tarantado! Heto paaaa! Umm!”
Naka-ilang palo din ako sap wet
ni Lito hanggang sa pulang-pula
na ito at umiiyak na sya. “Tol…
patawarin mo na ako, please…”
“Hindi! At hindi kita
patatawarin.” Ibinaba ko na ang
paddle, at tinungo ang VCD
player at nagpalabas ng bold.
Tapus, hinubad ko ang t-shirt,
ang pantalon at pagkatapus, ang
brief.
Finorward ko ang palabas upang
dumeretso sa mga nag-
uungulang mga nagtatalik na
pornstars. Nilakasan ko ang
sound upang marinig ni Lito.
Sinalsal ko naman ang sarili kong
ari upang tumigas. Noong
tumigas na ito, sumampa na ako
sa taas ni Lito at ikinakanyod-
kanyod ang ari sa umbok ng
pwet niya, ang isang kamay ay
isinambunot sa buhok niya.
“Gusto mo ito, ano?! Anooo!!!!”
Sigaw ko.
Hindi kumibo ni Lito. Kitang-kita
ko ang mga luhang dumaloy sa
pisngi niya. Noong libog na libog
na ako, sa naririnig na mga
ungol mula sa VCD, itinutok ko na
ang matigas kong ari ko sa
bukana ng puwet ni Lito at
biglang umulos. Hindi ko na
nilagyan ng pampadulas ito,
gusto ko talagang maranasan
niya ang sakit. “Arrggggghhhh!”
Ang sigaw niya noong pumasok
na ang pagkalalaki ko sa loob ng
lkuran niya.
“Masakit ba? Masakit ba?! Sigaw
ko uli habang patuloy na
umuulos, hindi na ininda kung
masasaktan man siya.
“Tooool, ansakitttt!”
“Hindi pa iya, tangina mo! Heto
pa!” At kinagat ko ng malakas
ang kaliwang balikat niya
habang walang humpay ang
pag-ulos ko.
“ARRRRGGGGGHHHH!”
Hindi ko binitawan ang pagkagat
ng balikat niya. Noong tinanggal
ko ang bibig ko doon, nakita
kong may umagos na dugo sa
nakagat kong parte. Ngunit galit
pa rin ang nanaig sa akin. “Heto
pa tollll!” Kabilang balikat naman
ang kinagat ko habang patuloy
pa rin ang pagkanyod ko.
“ARRGGGGGHHHHHH!”
Ganoon din ang nangyari.
Dumugo din ang parte na iyon.
Nakadaming kagat din ako sa
likod niya noong sa wakas ay
naramdaman kong lalabasan na
ako. Dali-dali kong hingot ang
sarili at itinuon ang pagkalalaki
sa mukha ni Lito.
“Ahhhh! Ahhhh! Ahhhhh!” ang
ungol ko habang pumulandit
naman ang katas ko sa ulo at sa
mukha niya.
Tila nakilaro naman si Lito.
Marahil ay dahil sa takot na kung
ano pa ang maisipan kong
gawin sa kanya. Kahit kitang-kita
ko pa ang mga luhang dumaloy
sa mukha niya, pilit na inangat
niya ang mukha upang harapin
ang pumulandit kong dagta.
“Tangina mo tol! Kaya pala tinira
mo ko sa pwet, ansarap pala, lalo
na d ’yan sa pwet mo. Ilang lalaki
na ba ang nakatira sa iyo? Ha?!”
Sigaw ko, habang ipinahid sa
mukha niya ang natitirang likido
sa dulo ng ari ko at isinasampal-
sampal pa ito.
Hindi kumibo si Lito. Noong
humupa na ang sarap, hinablot
ko naman ang buhok niya at
sinampal ng malakas ang
magkabilang pisngi. “Bakla!” ang
sigaw ko sabay talikod, pinulot
ang nagkalat na mga damit sa
sahig at dali-dali ding lumisan,
iniwanan siya sa ganoong ayos.
Kinabukasan, parang wala lang
nangyari. Pareho kaming
pumasok sa klase. Masakit ang
katawan ko pero alam ko, mas
masakit ang katawan ni niya,
puno ng latay sa bugbog at
sugat sa kagat. At di lang iyan,
sigurado ako, masakit at
mahapdi pati ang likuran niya.
Napansin kong paika-ika siya at
tila hirap sa pag-upo dahil sa
mga palo ko ng paddle doon.
“Kulang pa yan!” bulong ko sa
sarili.
Pero sa kabila ng ginawa ko sa
kanya, hindi pa rin naibsan ang
tindi ng galit ko sa kaibigan ko.
Pakiramdam ko ay kumukulo
ang dugo ko at bumabalik-balik
sa isipan ang ginawang
karahasan at pambababoy niya
sa akin. Lalo na kapag nakikita ko
siyang tumatawa, nakaukit pa
rin sa isip ko ang saya sa mukha
niya nong ginawa niya sa akin
iyon. Kaya iniiwasan ko siya.
Ngunit dahil sa magkakalase pa
rin kami, hindi rin maiwasang
maglapit pa rin ang aming
landas.
Pareho kaming myembro ng
isang social club ng campus at
isang araw ay may “deepening”
activity kami na gaganapin sa
isang beach resort sa isla na di
kalayuan sa lugar namin.
Tatawirin lang ito nang may
dalawang oras. Sleepover,
kumbaga at ang purpose ay
upang mas magiging close daw
ang mga miyembro sa isa ’t-isa.
“Tangina! Paano ako maging
close d’yan…” bulong ko sa sarili
noong maisip ang kaibigang
kasali din sa club.
Ayaw ko na sanang dumalo dahil
alam ko nandoon si Lito. Ngunit
ewan ko din ba, malakas ang
udyok sa akin na sumali.
Syempre, isang beach resort ang
venue na kung saan ay hindi ko
pa napuntahan. At sleepover pa!
At ang isa pa, hindi ko pa rin na-
experience ang sinasabi nilang
“ deepening” activity na iyan.
Magtatakip-silim na noong
makarating kami sa isla.
Napakaganda ng isla. Pansin ko
kaagad ang kagandahan niyon
noong dumaong ang bangkang
sinakyan namin sa mismong
beach. Maputi ang buhangin,
mapayapa ang dagat, preskong-
presko ang hangin. Malapad din
ang dalampasigan kung saan
purong puting buhangin ang
matatapakan ng iyong mga paa.
Mga 30 metro galing sa dagat ay
nandoon na ang ilang cottages
na gawa ng kawayan at nipa. At
ang isang plus factor pa sa lugar
ay halos kami lang ang tao sa
paligid gawa ng ito pala ay isang
sanctuary na pinoprotektahan
ng mga taga DENR at walang
pwedeng pumunta doon kungdi
mga piling beach-goers lang na
may mga environmental at
educational-related na hangarin.
Pagkakita ko sa mga tanawin
pakiramdam ko nawala din lahat
ang stress at ang bigat na
dinadala ng kalooban.
May mga 30 kaming myembrong
sumama. At expected, nandoon
din si Lito. Pero, para lang hindi
kami magkakilala. Ibang mga
myembro ang sinamahan ko.
Pagkatapus naming mag settle
down sa tatlong cottage na tig-
sasampu ang naka-occupy, nag-
dinner kami, sabay-sabay at
doon na sa mismong beach at
pagkatapus magpahinga ng
sandali, naglaro. Dahil tatlo
kaming grupo, iyon na rin ang
grouping namin na mag-
compete sa iba ’t-ibang
impromptu na mga palaro. May
tug-of-war, may obstacle relay,
may impromptu cheering at
talent contest, at ang culmination
ay ang search for Mr. Prince
Charming and Miss Princess of
the night na ang mga judges ay
kami-kami din lang.
Sobrang saya at enjoy ang lahat.
Pero syempre, nandoon pa rin
ang pagsisimangot ko at pang-
iisnub kay Lito kapag pareho
kaming kasali sa laro.
Pareho kaming contestant Lito sa
search for Prince Charming of
the night. Sa pag-introduce ko pa
lang sa sarili, binanatan ko
kaagad siya, “Ako ang piliin
ninyo dahil sigurado ako sa
aking seksuwalidad !” sabay
tingin ng patama sa kanya.
Tawanan at palakpakan ang
lahat. At noong ibinaba na ang
hatol, ako ang nanalo at si Lito ay
pangalawa lamang. Noong
nilapitan niya ako at kakamayan
sana, bigla ko naman siyang
tinalikuran.
Pagkatapus ng palaro, binigyan
kami ng 30 minutes na break
upang makapagpahinga o
kaya ’y kumain. Susunod na daw
ang deepening.
Alas dose na ng gabi noong
pinalabas kami sa mga cottages
namin. Pina-upo kaming lahat ng
paikot upang pumorma ng isang
bilog. Ilang araw na lang bago
mag full moon noon kaya may
sinag pa rin ang buwan na
siyang nagsilbing liwanag sa
paligid. Sinadya daw na sa
ganoong oras at set-up na
medyo madilim-dilim ang
activity. Syempre, nagtatanong
ang aking isipan. “Ano kayang
mayroon?”
Nagsalita ang aming moderator.
“ Mga buddies…” ang pag-greet
ng moderator namin sa tawagan
namin sa kapwa myembro. “Ang
tawag natin sa activity na ito ay
‘ Deepening’ the main objective
of which is to enable us to know
deeper the person we call
‘ buddy’. I won’t expound on the
subject. But let me just begin the
activity by saying that what we
say or do here, let it stay here.
Let us open our minds and our
hearts and Let the white sands
and the wind in this island bear
witness to everything we do or
say. Let this activity help each
one of us to know each other
better, to learn lessons,
appreciate the values and
meaning of life, to find our true
selves and become better
persons. Lahat tayo any may
kanya-kanyang kwento at drama
sa buhay. Mayroon tayong little
secrets, big secrets, skeletons in
the closets, struggles, pains,
whatever. Minsan, tayo lang ang
nakaakalam sa mga ito. Minsan
din, naitatanong natin sa sarili
kung normal pa ba ang mga
nangyayari sa atin o, we deserve
to have all these … Pero, patuloy
pa rin tayong bumabangon,
lumalaban. Because that is life –
full of challenges, full of
struggles, full of pains at dahil sa
kabila ng lahat. patuloy ding
umiikot ang mundo, ang mundo
natin. Kaya let our story unfold
so that it may serve as an
inspiration to our fellow
buddies; to give your buddies
the chance to accept and
embrace you for what you are,
in spite of what you ’ve gone
through. This is your chance
now. Lahat tayo ay magsasalita
and I encourage you to speak
from the heart. Whatever
emotions come out, let it flow
freely - walang takot, walang
pangamba, walang
pagdadalawang-isip. Let there be
trust among us. Let there be
compassion. Let there be
acceptance and understanding.
Set yourself free …”
Ramdam ko naman ang
pagkabog ng dibdib ko sa sinabi
na iyon ng moderator.
“Sa mga laro natin kanina,
napakasaya natin. Pero may halo
din itong downside lalo na kapag
natalo tayo. Sa totoong buhay ba
masasabi nating ganoon din?
Ano ang pinaka-lowest part ng
buhay mo? Ang pinakapuntong
nasabi mo sa sarili na sana di na
lang ako ipinanganak pa sa
mundong ito? O kaya ’y nag-isip
ka na magpakamatay na lang?
Nalampasan mo ba ito? O
hanggang ngayon ay tuloy pa
rin ang laban? At ano ang mga
aral na natutunan mo, kung
mayroon man? Kailan mo naman
naranasan ang sobrang saya?
Mas marami bang masasayang
parte ang buhay mo kaysa
malungkot at mahirap …? Iyan
ang mga tanong na dapat mong
sagutin sa sharing nating ito.
Pero bago iyan, bibigyan ko
kayo ng ilang minuto upang i-
examine ang mga sarili ninyo at
masagot ang mga katanungang
iyan.”
Noong gumitara na at kumanta
ang aming singer na kasama,
lahat kami ay natahimik, ang
karamian ay nagsimulang mag-
iyakan.
Hindi ko naman lubos
maintindihan ang naramdaman
sa pagkakataong iyon. Hinayaan
ko na lang dumaloy ang kung
ano mang emosyon ang lalabas
habang pinakinggan ko nang
maigi at hinimay ang kahulugan
ng bawat salita ng kanta. “Lead
me Lord, lead me by the hand
and make me face the rising sun.
Comfort me through all the pain
that life may bring. There's no
other hope that I can lean upon.
Lead me Lord, lead me all my life.
Walk by me, walk by me across
the lonely road of every day.
Take my arms and let your hand
show me the way …”
(Itutuloy)